Thursday, November 27, 2008

the night of celebration

nasabi ko na'ng nanalo ang team ko sa contest diba? at napagpasyahan ng buong lupon na waldasin na lang ng isang bagsakan ang aming premyo. Wow. kase daw kung out of town, marami kang maririnig na ganito..." ay, di ako pwede e, may lakad ako..." at kung anu ano pang " e kaseh..."

so, kesa nga namang kaunti lang ang makikinabang sa pinagpaguran ng marami.... san pa ba magiging patas ang lahat?...
hehehe kawawa ang mahinang kumain!


may pasok pa kasi ang nyt shift kaya dito lang sa karating na
turu-turo kami bumagsak.....akalain mong pag lapag pa lang ng plato ng pagkain e animo'y dumaan ang ipu-ipo? nawalng bigla e.
buti may nakunan pa ko...

para rin itong gabi ng parangal dahil umuulan ng flash nga camera...may dala ako, si kati, at si se-tte. kaya nga dapat kahit ngumunguya ka, smile lang!


hehehe, ayaw naming magpapicture na tatlo e bakit ba?...

dahil hindi ko naman kabisado ang timpla ng team ko kung mabrowse nilang bigla ang kanilang mga fez sa internet, kahit umuulan nga ng flash, ito,isang shot lang.


mukha naman kaming masaya hindi ba?
hay!

Monday, November 10, 2008

and the winner is!!!!! (was)

kung taga bpo ka... malamang sa hinde, pamilyar ka sa seasonal display. yup! parang sa mall lang.

dito sa company gaya ng ibang bpo, nag pakulo ang mngment ng "halloween do-up-your workstation contest using recyled materials o yung mga sayang naman kung itatapon na. hehe

theme: (dapat lang na may theme para patas!)
your fave horror movie!! (dahil para 'to sa haloween ek-ek ng mga kano)
ang sa amin ay ang walang kamatayang "the ring" ahur! ahur!

at dahil marami kaming ads..... mga 60 vs 3 to 4 g-dies, wala kaming time mag decorate..ang sabi nga ng ibang team, "hindi kayo kasali?" kasi naman kinabukasan na ang judging ni kapirasong ebidenshang sasali kami, wala pang naka paskil. pero shempre para saan pa ang team work, sanay kami sa rush: rush design, revision o pick up. ehehehe hanggang sa ganito ba naman rush parin?!!

partida na to! 30 mins before the judging time: iniwan ang mga ads para lang matapos ang pag dedecorate. halata bang recycled lang?

dyaran!!!!! (paano kang hindi mananalo nyan!)

masasabi bang the ring kung puro balon lang?
with sadako na nag patalbog sa mga kalaban!

sa mga 7 team ata...champion kami!
five thousand rin ito no!