Saturday, April 12, 2008

toss coin

alam kong panis na ang linyang "be careful on what you wish for" dahil baka nga in anyway e magkatutoo at ma shock ka na lang bigla....hehehe

ten years ago... na ibulong ko yatang ayaw ko nang mag ka mens kasi hindi ako maka akyat ng puno ng aratilis naming madalas pa namang hitik sa bunga tuwing meron ako... at di nga nag laon, ang buwanang dalaw ay hindi na buwanan kung dumalaw... every other month na lang....na naging every three months at hanggang sa nag 24 years old na ako e ...once a year na lang. o diva? once a year... madalas tuwing "ber months kung dumalaw at dahil nga don, nag pasha na kong mag pa duktor at eto na nga....iinom nga ng gamot every after meal... for life!

another incident:

after akong ma force evict sa barko, almost 6 months akong na tengga sa bahay. although hindi naman ako tengga talaga dahil kinuha ulit ng barko ang serbisiyo ko ... side line lang naman (kapal nila!-dahil walang choice) e abala rin ako sa mas abala naming tindahan.

nag apply ulit ako nitong pag pasok ng taon after kong ihinto ang aking job hunt nitong december.
at sabi ko nga....dapat itong aking birth month, empleyado na ulit ako. (tama na ang astang PAL)...kaliwa't kanan ang response sa application ko, kahit hindi ko inapplyan, may call! ayus diba?...then here it goes..yung company na nag contact sa akin: on or before december of 2007, e kinontak ulit ako (matapos kong ma depress dahil hindi na nga ako naka tanggap ng feedback), pinag e-exam ako ulit, (lagot na!)...medyo nag alangan ako (exam?)...ok tatapatin ko na....ang hirap ng exam sa tulad kong pang ngotoshop lang ang ganda...

sign?

face your fear dahling!, for the second time, nag exam ulit ako, mahirap pa rin, wala naman ako gaanong alam sa illustrator, (wala na, talagang goodbye ortigas center!) pang makati lang nga ba ako? -hindi ayala ave 'day.

although medyo may kaunting kompyansa kaysa sa naunang exam ko, kakalungkot parin dahil 2 weeks na ala parin - matatapos na ang Feb--matatapos na ang ultimatum ko...

February 28

sa kalagitnaan ng phone call ko with hannah- i heard a msg rcv tone. hindi ko muna pinancin...topic namin ni hannah? yung na recieve nyang sms galing dun sa pinag applyan namin...yung pinag examan ko....huhuhuuh! ba't ako wala? hindi ba talaga ako karapat dapat?

naalala ko yung text, binasa ko at....whoala! this is it! final exam? oh c'mon!

February 29

sabay kami ni hannah na nag final exam....
after ng exam, binigyan na ako ng pre-employment requirement
yahoo!

>>rewind<<
i was holding a ten peso coin...murmuring "dapat sa pebrero, may trabaho na ako..." i played the toss coin, i saw the head (o tail?) nakalimot ko ah!

then i hold a five peso coin, murmured, played again, then a head
(or tail?)
i tried it with a peso coin,
with a 25 centaco coin
and again with .10 and w/ith a .5 centavo coin
all i saw was head (o tail?)

basta consistent!

bagamat march 03 na ako nag start... february 29 ko nataggap ang magandang balita

ang lahat ng ito ay hindi himala ng barya...kung hindi...
Salamat po AMA!

No comments: