oopps! it's not me!
yung ate ko. 27 yrs old. had her first boyfriend at 25 at kahit hindi naman tinutulan ng tatay kong kawal ng pilipinas at ng aking inang guro, i can still say na ipinaglaban yan ng ate ko (through text). ang usapan kase...hindi pwedeng mag BF kapag nag aaral pa, ok.....na extend, mag trabaho daw muna.....ok ulit. kaya nung may manligaw at feeling type rin naman nia, sinagot at ipinaalam kina itay.
ok naman. mabait. palaging nasa bahay pag uwi nila galing office. palaging may bouquet and gifts...as in pati sa amin minsan isang pasko, palaging ganon at routine na nga sa loob ng dalawang taon. pati yun mga aso kong saksakan ng suplado at suplada ka vibes nia. he was there in every occassions sa calendar. sa loob ng dalawang taon...hindi kami prolemado kung aabutin ng hating gabi ang ate ko sa daan.
until the other night.
nasa cr ako ng makarinig ako ng nananaghoy. ayun ngawa nga ngawa ang ate ko at nakayakap pa sa tatay kong pinatatahan naman sha, sabay sabi ng ..."wala na kami ni ian"
ano?!!!
ang sabi ng barkada nia...sakaling man na maghiwalay sila, ang ate ko ang mag iinitiate nun.
ang rason ng break-up? na huhulog na daw ang magaling kong nahilaw ng bayaw sa kaopisina nia.
and i don't know how will i help my sister to get over with the pain. sabi ng nga mga frienster ko, wala daw akong kwentang bahagihan ng heart problems.....bato daw ako e...nyak!
kaya yun!...ni hindi ko na maharutan ang ate ko...isang buong araw shang umiiyak...kasabay kase ng binalita ng ex nia ay problema rin sa office. ayus! sabay sabay!
ang tanging nasasabi ko lang sa kanya...namin pala...e ...ok lang yun, mabuting nagtapat habang mag nobyo palang sila...kasyo nga namang pag mag asawa na dava?
ok....what's the big deal about it?.....we are a happy family, and this is the first time na may umiyak sa amin ng ganon after 7 years nung hindi naman ako pumasa sa meralco foundation at maging waiting lister lang sa pupcat sa grade na 92.
hay life! paano kung ako naman ang umibig na? (nyaks!)
baka hindi na ako payagan...hihihi
Friday, September 7, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comment:
well..life must go on..^_^
Post a Comment