pero parang feel kong mangarap muna':
minsan ba hiniling nio na: "sana mayaman ako?"
o kaya naman ay: "sana nakatira ako sa SM?"
ako hinde. mas gusto ko pang maging member ng maskman
kaysa tumira sa mall.
pero minsan...este madalas: ito naman ang madalas na nilalaman ng bugtong hininga ko:
"sana marami akong pera!"
sa panahon ngayon: laos ang walang cellphone! kaya naman kahit meron na akong 3310 ng Nokia, masama bang pangarapin kong mag karoon ng medyo may kulay na, may radio, mp3 player,folded (ayoko ng candy bar o monoblock na tinatawag) recorder, video services, at camera na may 3 megApixel!?

ewan ko ba...hindi naman daw ito maganda sabi ni tating pero....na love at first sight ako dito e...Nokia 7390...kailan ka magiging akin?
(images from: http://www.planete-nokia.com/phpBB2/index.php?showtopic=35120)
may photography class ako nung college...masarap palang mag kukukuha ng pic lalo na kung hindi tao ang subject. masarap kunan ang ganda ng pilipinas sa tulong ng SLR..oo yung camera na ina adjust ang lente...pero paano naman ang mga moments na kailangan ng ura uradang ma capture? dyahi kayang mag kwintas ng SLR para sa everyday living at galaan no! simple lang naman ang gusto ko...yung it serves the purpose talaga: 7 and above lang na MP,shock proof,water proof, at kung anu ano pang magpapatagal ng buhay ng camera at magagamit mo kahit anong mangyari...

olympus stylus 770 SW( buti na lang may bronze!)
image from: http://www.olympusamerica.com/
mula bata palang ako (at bata parin naman til now!) nakaugalian ko ng mag kakakanta. nope! hindi sa piesta, wala lang, kung kailan lang maisipan (o kahit hindi na nga pag isipan pa) mas madalas pa nga akong kumanta kasya uminom ng tubig. although ngayon ko lang naman ito ginusto, (kuntento na kase ako sa FM/AM),hindi ko naman pwedeng i-isantabi dava?

letch! mura lang pala ito..kaya pala maraming mayroon! akala ko mga 20k...sus!
sayang walang bronze..pero pwede na rin yung black na ipod nano na 8GB! may lagayan pa!
images from: http://www.pielframa.com/
pakiramdam ko lagi nalang marami akong dala-dala. nung lumipat kami sa totoo naming bahay (umupa kami pansamantala kasi pina-renovate namin: isang kalye na hugis J ang layo nito sa totoo naming bahay) hindi ko lubos maisip kung paano namin ulit ililipat ang naglalakihan naming kagamitan. ayaw umupa ng sasakyan ang tatay ko!..kaya naman daw ng sidecar..ayus! kaya pala nag rerekalamo na masakit na daw ang tuhod nia....pati nga yung sidecar bumigay!
gusto ko ng pick-up truck: hurricane,frontier,ford 4x4 offroad,hi-lux, kahit ano dito pero sabi ng kapatid kong nag dudunung-dunungan sa sasakyan..the best daw ang hilux (calling toyota!)

although addik ako sa bronze....pwede bang ang pick up ko e kulay macopa red?
image from: www.toyota.com.ph

kung malaki ang agwat ng presyo ng frontier at hilux... edi dun na ako sa mas mura, naman!
image from: www.nissanusa.com
masakit sa mata ang mag maneho habang nakikinig ng ipod nano, sasagot sa phone call or text (hala! kahit bawal!) o kaya naman mag i-stop over para kumuha ng picture. kaya naman, kailangan din naman nating pangalagaan ang ating mga mata. akala ko dati hindi bagay sa akin ang mag antipara...akala ko lang pala (yabang!)

eto...kahit naman siguro bukas mabibili ko agad (15$- maneng-mane!)...yun e kung nasa US ako
image from: www.victoriassecret.com
masarap mangarap hindi ba? (napaka materialistic ko naman!)
pag natapos na ang bahay namin...uumpisahan ko naman ang pag-iipon para sa mga yan....matatagalan nga lang yung para sa pick-up ko
maka pag abroad na nga!

No comments:
Post a Comment