Monday, June 25, 2007

published work

Friday, 4:18 pm,
sabi ni yhuge, may papagawa daw na ads si bj. napakamot ako ng ulo(na naman?!)may kahalo na ring kaba..(am i gonna sleep here again?!) pag sinabing may papagawa na ads, meaning malabo akong maka uwi ng maaga

sa lahat ng gawain ng GA dito sa barkong ito, ang paggawa ng ads ang pinaka nakaka praning.
magbayad ka ba naman ng ilang libo sa kapiranggot ng pwesto sa broodsheet, kailangan ngang maging perfect ang outcome. pero dahil feeling college students ang bj, mahilig shang mag cram....cramming!

bakit naman kase laging last minute mag announce at mag email ng content ang magaling naming kapitan e, at may gana pa sha nga itanong ito:

"bakit lagi tayong gahol sa oras pag mag papa Ad tayo?" sabay tawa
ayus! nag iisip kaba boss? hindi kasi ikaw ang mag le-layout, tapos mahilig ka pang mag revise!
kakainis.... tapos pag alis nia(tinawagan kase ng gf)..

"archie, you take care of this" well, sa pagitan nia at ni archie? i'll go for archie. mas nag kakaintindihan kami nito.... so sabi nia..ni archie "try mong GUMAWA NG BAGONG DESIGN" then i felt my world did trumbling down...huhuhu!

pag katapos nila akong tarantahin dahil sa di madead-dead na deadline...na meet ko din.

kinabukasan, feeling kong mag awol. korek! regular na tinuringan, mas gusto pang umabsent kaysa mag file ng form.

ayoko talagang pumasok dahil
1. sabado, pahinga namin to dapat pero meron kaming pasok kahit half day na lang
2. natatamad ako
3.may chismis na gagawa na naman ng ads para naman sa pa seminar namin na ilalabas naman sa lunes... which is ngayon.
4.meaning ang halfday na by default ay panandalian munang ma co-customize
pero i have to think it in a positive way...mapalad akong may pinapasukang kumpanya.

naboljak pako ...tanongin ba naman ako kung when he gives order daw e does it look funny and don't i take it seriously?! ano? e nanginginig nga ang laman ko sa twing papasok sha sa cubicle namin tapos mag paparatang pang i dont take seriously his demands? (tama ba english ko?)

ang deadline ng alas tres (which is 5:00 in reality) ay sobra kong naconsume at nabitin dahil alas dos na nia naipadala ang email niang before lunch ko pa binanggit sa kanya...shet!

kumain sha sa labas samantalang minumura na ako ng sikmura ko!
natapos ko ng almost 4pm:

pero bakit parang sinasabi nia na hindi ko kaya ang gumawa ng ad dahil hindi daw lumabas ng araw na inaasahan nia? e ano yung dyaryong iniscan ko?

naman!. triny kong mag apply sa iba may interview pa nga....
pero bakit ako nalulungkot?...

No comments: