Tuesday, June 5, 2007

don't fix it with the fixers!

FIXERS!...tanga lang daw ang mabibiktima nito

kahapon kase, napagkaisahan namin ng mga college friendster ko na mag aaply na kami for passport..first time ko rin lang makakapunta ng DFA, Yung DFA sa roxas blvd, wala yun! front lang talaga dahil ang tunay na kaguluhan ay nasa tagiliran.... enyiwayz...

sa dinami dami ng tao sa labas ng gate....hindi mo alam kung saan ka mag uumpisa. merong mga lalaking naka pormang pang PSG na naka id na wala namang picture pero kung makaasta e para kang aarestuhin...

diretso lang ang lakad (kailangan sa mga ganitong lakaran..suplada ka)
"mam, applicant for passport?" "mam?....kelangan nio ng form." akala mo kung sinong magaling. dahil suplada ka nga...hindi mo sha papansin dahil nga dapat alerto ka sa mga nagkalat na fixers.
saka ka makakarinig ng "mam mawalang galang lang po! mam! excuse me lang!" nakasunod sila sayo, at wag na wag kang magkakamaling lingunin sha at tiyak na lalapit kang tyak sa mga nagmamagaling.

pero ewan ba... napunta rin kami sa isang nagmamaglaing (isang lalaking parang bata ni congressman ang dating)..pinapunta kami sa isang studio..meron dong mga naka fuchsiang uniform, may id at siyang mag dedesisyon kung ang dala dala mong passport size picture ay papasa o hindi....yung dala kong picture.. aba! mali daw! saka nila ako pinilit mag pa picture dun sa studio nila! ayus!

pero dahil tigas mukha ako, pinakita kong hindi ako magpapaicture (kahit sa luob luob ko e medyo nabuhusan ako ng malamig na tubig... sayang naman ang leave ko no kung mapupurnada pa dahil lang sa mali daw na picture)

"sige na nga idikit na nga ito!" sabi ng isang ale sa picture ko na reject.
"kelangan nio ipa xerox yung id nio"
"four pesos mam baliktaran kase"- kung hindi ba naman lokohan na...2 pesos para sa maduming resulta ng photo copy!
binigay ko yung TIN id ko, at humungi pa ng isa, inabot ko naman yung company id ko...bale sa isang bong paper, may apat na "xinerox" pero 4 pesos parin... ayus! dapat 8 pesos na yun e...

eto na...

pag katapos namin mag dikit na pic, mag thumb mark, at mag pa photo copy, saka kami lumabas. akala ko ok na, hindi ka naman malulugi sa 4 pesos ano? bigla ba namang may lumapit sa amin... isa nanamang lalaki na hindi mo pag dududahan ang itsura, may katandaan , mukhang purita (senxa na po) pero hindi naman gusgusin at may dalang papel papel..

"mam..kase matagal dyan sa loob e. gusto nio sabay kayo sakin, medyo hinihintay ko lang yung misis ko nasa mcdo lang..."
"hindi na ho manong" ani classmate, samanatalang hindi ko pinapansin ang matanda
"kase kung dyan kayo sa luob, aabutin ng 21 days ang pag rerelease ng passport nio mam"
"san hu ba dapat?"
"dun lang po (sabay turo) a building na green... i o-overtime na lang natin para hindi na kayo babalik dito." kulit talaga, sinasabayan kami sa pag lalakad patunong...green na bldg?
"sige manong..." medyo bumilis ang lakad namin.. ang bldg na green ay isang kalye ang layo sa mismong dfa.
"anog gagawin natin? niloloko ata tayo nun e ang layo ng nito sa dfa!" nakatapat kami sa mcdo. nilabas ko ang cp ko baka sakailing makontak ko si jody na nag pa passport na... walng reply!
" o mam bat hindi kayo tumuloy?" si manong sumunod!
"ay hindi ho manong...may hinihintay lang kami" kabado na.. naninigurong pupunta nga kami sa green na bldg.
"hintayin na lang natin yung misis ko"
"hindi na ho manong"..nyi! sabay pasok sa mcdo.
"anu ba yun sinusundan tayo"
"anu bang sabi ng kaibigan mo? wala pang reply?"
"wala nga e" sabi ko naman" hanap nalang tayo ng pay phone"
nang may mahanap naman... ay magaling! walang sumasagot! pag tingin ko sa orasan...1:15 palang. (alam kong nasa cr pa si jodY) kaya pala walang sumasagot e

(habang hinihintay ko sa phone si jody... may kausap na naman na matanda ang dalawa kong kasama) hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila... sabi pasok lang daw kami ..at punta sa parang basketball court... mabuti pa si lola......

pagtapat namin sa gate na parang hindi...umulan na naman ng sang katerbang katanungan
"mam may form na po kayo? dito po mam"
"kuha muna kayo ng number"
at marami pang ibang nakakataas ng kilay. anong number?

saka kami minuestrahan ng magaling na gwardya na pumasok na at wag silang pansinin.walangya, harapharapan na sa gwardia na may ganoong lokohan...pero parang wala lang..."alam mo naman sa gobyerno, ganyan talaga, hindi mo na maaalis yan"
at duon na nag umpisa ang tamang pag pa process. ung pag aalangan ko dahil sa picture kong mali daw ay dala dala ko hanggang sa huling step. at ng maibigay na sa akin ang Slip para sa huling step (pagbabayad) duon lang ako nakahinga ng maluwag. hayy salamat!

tip sa pag kuha ng passport:

1.maging preparado sa bahay palang, mag download na ng passport form sa internet
http://www.dfa.gov.ph/consular/passportapplicationform.pdf. (NOT FOR SALE ito kaya wag papabola kung sa mismong dfa pa kayo kukuha.) idikit narin ang picture, ang 2 pang extra ay ilagay sa plastic saka i stapled sa form(pastic lang ang dpat kakagatin ng staple wire, wag idamay ang picture)
2.kung walang time, merong booth sa loob ng dfa para sa pad didikit at pag ta thumbmark
3.wag makikinig sa mga tao sa labas. (kahit pa parang may pila)direretso lang ang pasok sa gate at sa loob at hanapin ang basketball court.
3. dun na...sumunod sa mga arrow
4. best time sa pag kuha este pag process? mga 2:30 na, wala ng mahabang pila. (nakatatak na kase sa tao na mas maganda sa umaga palang, mali sila, dahil halos lahat ay ganyang ang iniisip, kaya maraming tao sa umagA.
5. be alert! mas mainan ng maging suplada kesa mukhang nagoyo.
6.mag enjoy. minsan lang to e.
7.merong delivery services na nag hihintay, p180, pwede na rin hindi na mabigat...para nga naman hindi ka na babalik. sayang sa leave!
8. saka nga pala...dapat may kasama kayo sa pag aaply, (na hindi talaga pabobola) hinde chaperon lang, kasama talaga as in sha din mag aaply....kahit pa sabihin nating super alert nga tayo...hindi pa rin maipapaliwanag kung bakit maraming nabibiktima ang mga fixers. baka kase maron silang hipnotismo? what!

bagamat hindi naman talaga kami nabiktima ng fixers -wag paloloko!, walng 21 days processing- 6 working days lang ang pinaka matagal at 500 pesos lang hindi P1700!
cant' wait till next week! mahahawakan ko na ang passport ko!

No comments: